TAMING THE IDOL

 

PAANO kung isang araw ay nagising ka na lang sa isang hospital ward kasama ang iniidolo at pinapangarap mong idol?

---

SA DINAMI-DAMI ng lalaking nakapalibot kay Carmina Sarmiento, mas pinili niyang magpaka-loyal sa isang sikat na idol sa bansa, kay Thunder Jimenez. Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang mahalin o kahit tapunan man lang ng tingin ng lalaki dahil sa nag-uumapaw nitong kasikatan ay wala siyang pakialam, basta't sisigaw siya ng, 'I love you, idol!' tuwing concert o fan meeting man nito.

        Address, private contact information, flight schedules— name it, hindi niya 'yan pinalalampas. Pero ni minsan ay hindi niya sinubukang guluhin ang pribadong buhay ni Thunder dahil sapat na para sa kanya ang ideya na hanggang tingin at pangarap na lang siya sa binata. Isa sa mga rason kung bakit ang pangalan nito sa kanyang cellphone ay 'asawa ko', para kahit sa cellphone man lang ay maging sila.

        Hanggang sa dumating ang araw na naaksidente si Carmina at kinakailangang tawagan ang pinakamalapit niyang pamilya, at iyon ay walang iba kung 'di si 'asawa ko'.

        "Bakit nandito ka!?"

        "Ask yourself. They asked for your husband that's why I'm here."

        Solid, 'di ba? Fangirl turned wifey. Isang pagkakataon para kay Thunder na ibaon sa limot ang paratang sa kanya na isa siyang 'bakla' dahil sa pagiging ilap sa relasyon.

        A do or die chance to save his name.

        And a yes or no chance for them to stand not on stage, but on the aisle together.

        Ito na ba ang pagkakataon ni Carmina para makilala ng personal ang pinakamamahal niyang idol? O hanggang fangirl lang talaga ang role niya sa buhay nito? Let the concert of love and hate begin!


Comments

Popular Posts