TAMING THE IDOL (PROLOGUE)
“READY NA ba kayo?”
tanong ng dalagang kapapasok lamang ng silid. Nakasuot ito ng kulay asul na
blusa at puting pantalon na pinaresan ng kulay puti ring sapatos. Hawak nito sa
kanang kamay ang mga papel kung saan nakasaad ang schedule ng banda para sa
araw na ito.
“Kami pa ba? Sisiw!” presko at mayabang na sagot naman ni
Byron habang pinapaikot sa kaniyang kamay ang drumstick at nang matapos ay
umakto pa itong tumatambol sa ere. Napaikot na lamang ang bilong ng mata ni
Thunder dahil sa ikinilos ng kaniyang kasamahan.
They will be having their second mall tour in a few
minutes. Rinig na rinig mula sa silid kung saan sila naroroon ang ingay ng fans
na nagtipon-tipon para makita at marinig silang tumugtog sa personal. May ilan
pang nakalusot sa mga gwardya at nagpupumilit pumasok sa dressing room ngunit
bigo pa rin ang mga ito nang biglang nagsidatingan ang security na pinatawag ng
kanilang manager.
MoonHaze, ang pangalan ng kanilang banda na ngayon
ay tinatamasa na ang sapat na kasikatan. They cheer people up through music.
Ilang taon na rin magmula nang mabuo ang grupo. May mga umalis ngunit mayroon
ding pumalit, hanggang sa silang lima na lang ang natirang matibay. Sa dami ng
pinagdaanang issue ng bawat isa sa kanila ay kinasanayan na rin nila ang iba’t
ibang reaksyon ng mga tao. Pasok sa isang tenga, labas naman sa kaliwa.
Kung mayroong fans, malamang ay hindi mawawala ang
bashers. That’s part of their career.
“Bro, cr muna ako,” usal ni Byron na halatang si Thunder
ang kinakausap. Ngunit hindi ito pinansin ni Thunder kahit na bakas sa mukha
nito ang pagngiwi sa narinig.
“Bro, pansinin mo naman ako, oh?” muling turan nito
dahilan para bahagyang kumibot ang sentido ni Thunder. Hindi niya gugustuhing
marumihan ang kamay niya kung sakaling paulanan niya ng suntok ang kabanda
niya.
“Manahimik ka.” Padaskol siyang sumandal sa couch kung
saan siya prenteng nakaupo habang nakahalukipkip, susubukan niya pa lang sana
na ipikit ang mga mata niya ngunit dumale na naman ng kalapastangan ang katabi
niya.
“Samahan mo naman ako, oh,” malanding tugon ng hayop
dahilan para awtomatikong pumorma ang kaniyang kamao at muntik nang lumipad
papunta sa pisngi ni Byron. Buti na lamang at naalala niyang may concert sila
ngayon at maaaring makita ng fans ang pasa sa mukha ng hinayupak na ito. ‘Mamaya
ka sa akin, g*go.’
“Bading! Lumayas ka nga sa harap ko!”
“Sino ba ang bading sa atin, ha? Ulol mo, bro!”
tumatawang sumbat naman nito sa kaniya saka palukso-luksong lumayas sa kaniyang
harapan.
Mariin na lamang siyang napapikit. Ang tinutukoy ni Byron
ay iyong issue sa kaniya na isa siyang bading. Napapamura na lang siya tuwing
pumapasok sa isip niya ang lintek na issue na ’yan. ‘Ilang taon na ang
lumipas pero gano’n pa rin ang tingin nila sa akin?’
Not
wanting to be in any romantic relationship doesn't make anyone gay. Hindi ibig
sabihin no’n ay bakla na si Thunder, dahil kung magkakaroon man siya ng
karelasyon ay sisiguruhin niyang iyon na ang una at huli niyang makakasama.
Hindi siya kagaya ng mga g*gong kasama niya na buwan-buwan kung magpalit ng
syota.
“Siraulo,”
bulong niya sa sarili
Kahit
hindi direktang sinabi sa kaniya na bading siya ay parang gano’n na rin lang
ang pinaparating nila. Dinadaan na lang nila sa mga biro at haka-haka ang
walang kwentang usapin. Kahit na tahimik at hindi palakibo si Thunder ay marami
pa rin ang nagkakandarapa sa kaniya, isa sa mga rason kung bakit wala sa
kaniyang isip ang relasyon o pag-ibig.
Hindi
mawala-wala sa isip niya na maaaring kasikatan niya lamang ang habol ng mga ito
sa kaniya. Pakiramdam niya ay gagamitin lamang siya ng mga ito sa sariling luho.
Hindi niya gugustuhing mangyari ulit ang gano’n.
Maliban
na lamang kung tadhana na ang nagbigay ng grasya, at kung nagkataong pasok pa
iyon sa ideal girl na gusto niyang makasama habang-buhay ay malugod niya iyong
mamahalin at aalagaan.
“Ready
na? 3 minutes na lang, guys! Galingan niyo, ha!” halos impit na tili ng
kanilang manager na si Solenn habang winawagayway ang cue card na hawak niya.
Ito
na, magpapakilig na naman ang MoonHaze ng kababaihan sa Pilipinas.
“Alright,
let’s go!”
Nagsilabasa
na ang iba habang si Thunder ay nanatiling nakaupo sa couch habang pinagkikiskis
ang dalawang palad. Ilang ulit na silang nagkaroon ng concert ngunit hindi niya
pa rin mapigilang kabahan. Hindi niya gugustuhing madismaya ang fans nila sa performance
nila.
Marahas
siyang napailing para alisin ang mga negatibong pilit na pumapasok sa kaniyang
isipan. Akmang susunod na sana siya sa kanila nang biglang umalingawngaw sa buong
silid ang tunog ng isang cellphone. Hindi niya na sana iyon papansinin pa
ngunit napagtanto niyang iyong private phone niya na nakapatong sa lamesa ang
tumutunog. Marahil ay isa sa mga kakilala niya o kaya ay emergency sa bahay ang
dahilan. Nagsalubong ang kilay niya nang makitang hindi nakarehistro ang numero
ng tumatawag.
Nag-aalangang
sinagot niya iyon. “Hello? Who’s this?”
“Hello?”
Isang matigas na tinig ng babae ang sumagot. "This is nurse Kyles of
San Lucas Hospital. Kayo ho ba ang asawa ni Ma’m Carmina?"
Lalong
kumunot ang kaniyang noo dahil sa narinig. Ano raw? Asawa? At kailan pa siya
nagkaroon ng asawa?
“Bro,
magsisimula na tayo!” Napatunghay siya sa gawing pinto at doon ay nakita si Gio
na nakasilip habang isinesenyas na kailangan na nilang lumabas. Iniangat niya
lamang ang kaniyang kamay sa ere, agad naman iyong naintindihan ni Gio at saka
siya iniwang muli.
“What
did you say? Asawa? Asawa nino?”
"Ni
Ma’m Carmina ho. Sorry, Sir pero this is an emergency, kailangan ho ang
presensya niyo rito ngayon," natatarantang tugon ng
nasa kabilang linya. "Naaksidente ho kasi siya at kailangan niya
dumaan sa operasyon, nauubusan na ho ng oras."
Sumama ang mukha ni Thunder dahil sa narinig. Eh, bakit siya ang tinatawagan? At paano nila nalaman ang kaniyang numero? Hindi kaya isa ito sa mga nauuso ngayong prank call?
Muli
siyang napalingon sa awang ng pinto nang lalong lumakas ang ingay at sigawan sa
labas. Nagsimula na ring magsalita sa mikropono si Migz para magpakilala, senyales
na magsisimula na ang concert.
Hindi
siya mapakali. Kailangan na siya sa labas ngunit hindi mawala-wala sa isip niya
ang tungkol sa tawag na ito.
"Hello,
Sir? Emergency ho talaga, kailangan ho kayo rito ngayon."
Mariin
siyang napapikit. He’s torn between performing and saving someone’s life. Dahil
kung totoo man ang sinasabi ng caller na ito at wala na silang ibang matawagan
maliban sa kaniya ay baka may mangyari talagang masama sa tinatawag nitong
pasyente.
‘Pucha,
ang concert namin!’
Humugot
siya ng isang malalim na buntonghininga bago muling magsalita.
“I'll
be there in a minute.” At pinatay niya na ang tawag. Kahit nandidilim ang
paningin dahil sa inis ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Binabagabag
siya ng kuryusidad sa misteryosang pasyente na tinutukoy ng caller.
Saka
niya na haharapin ang bunganga ng kanilang manager at ng mga g*go pagbalik niya.
Kailangan niyang malaman kung sino ang lintek na napangasawa niya nang hindi niya nalalaman!
←PREV CHAPTER 1→


Comments
Post a Comment