FINDING LUCI (A Tale of Mischief)
In search for someone you haven't even met, what will you do?
--
Si Delilah, isang sikat na supermodel na naniniwala sa 'red
thread of fate', na ang ibig sabihin ay mayroong isang taong nakatadhana
para lamang sa iyo. Sa kabila ng nag-uumapaw na kasikatan sa bansa ay lumaki
siya sa paniniwala na totoo ang orakulo, ang propesiya, ang Diyos ng iba’t
ibang bagay, at mythical creatures na nagtatago lamang sa pinakaliblib na
lugar.
And she has one secret goal in life; ang hanapin ang
usap-usapang orakulo sa probinsiyang kinalakihan niya . . . at hanapin ang
lalaking nakasaad sa kanyang propesiya.
Ngunit paano kung ang hinahanap niyang orakulo ay ang kusang
lumapit sa kanya? At paano kung ang inaasam niyang buhay pag-ibig ay may
malaking kapalit?
“He, who is destined for you will be the only one you are
allowed to love. Breaking the thread will only lead to tragedy.”
Mapanindigan niya kaya ang pinasok niyang gulo, gayong
unti-unti na siyang nahuhulog sa hindi niya inaasahang tao?



Comments
Post a Comment